Muling iginiit ng Games and Amusement Board (GAB) ang isinasagawa nitong operasyon para matukoy ang mga lehitimong live streaming apps na pinapayagan ang illegal gambling content.
Sa simula ng taon, inanunsiyo ng GAB ang partnership nito sa major telecommunications companies o telcos, tulad ng PLDT at SMART, gayundin sa National Telecommunications Commission, para i-block ang mga apps na pinapayagan ang illegal gambling.
Bagamat hindi pa pinapangalanan ng GAB ang mga sites na ito, ibinunyag ng ahensiya na ang mga platforms ay “foreign-based,” and “have been flagged and banned in other countries like Indonesia, India, Pakistan, and Bangladesh for the proliferation of indecent content.”
Ilan sa mga foreign live-streaming apps na ito ay pinapayagan ang “subtle sexy live streams,” pati na rin ang illegal gambling.
Read: Student applying for internship allegedly body-shamed; hotel management reacts
Pahayag ni GAB Chairman Attorney Richard Clarin: “GAB will be relentless in identifying and shutting down these illegal sites. We are fully aware that these illegal operators put up new sites the moment we succeed in shutting down one.”
Babala ni Clarin, ang mga nag-i-invest sa mga platforms na ito ay potensiyal na mawalan ng funds, ”as their hard earned money deposited in these sites for future gambling can easily vanish once these sites shut down.”
Pagpapatuloy ni Clarin, kaya pumapasok sa illegal gambling ang mga tao ay dahil sa iba’t ibang problema sa lipunan, tulad ng problemang pinansiyal, problema sa pamilya, at mental health.
Nais naman ng pamahalaan na masolusyunan ang mga “fundamental origins of these issues” para masupil ang masamang epekto ng illegal gambling sa lipunan.
Hinimok din ni Clarin ang publiko na i-report ang illegal content sa live streaming apps dito sa atin.
NOOD KA MUNA!